oh no! my bestfriend is gay (part 1)


Sa pagdaan ng panahon at ngayon sa bagong henarasyon, ang mundo ng mga LGBT (lesbian, gays, bisexuals Transgenders) ay nagbubukas na ng pintuan sa mundo na ating ginagalawan... Sa mundong kinabibilangan nila at ng sinasabing "straight peoplE" o ang mga Heterosexuals...

Isa si Elly sa mga ito. 26 yrs old. Nag tatrabaho sa isang call center sa Makati. Gwapo, may pinag aralan, may masasabi sa buhay. Si Elly ay bukas sa mga bagay at may mga magandang disposisyon sa mga ito.

Sa kanyang pagtatrabaho bilang isang call boy (call center boy), nakilala nya ang kanyang matalik na kaibigang si Jun, 25. Di hamak na mas may itsura sa kanya. Matangkad at matipuno ang katawan. Ang isip pa nga niya noong una ay sarili nilang version sa opisina ng Dingdong dantes. Mabait ito at siya pa ang unang nakipag kilala sa kanya noon.

Dahil sa bulacan lumaki at nakatira si Elly, at si Jun ay sa Calamba, na pag isipan ng mag kaibigan na mag bed space malapit sa kanila pinapasukan. Sapat na ang isang kwarto at isang kama para sa kanila. Punuan duon at tiyak makakatipid pa sila kung isang kama lang ang uupahan nila. Maliwalas nmn ang kwarto dahil sa nabibigay na liwanag ng isang malaking bintana na gawa sa capiz. Isang lumang bahay sa Pasong Tamo ung apartment na yoon. Malinis at metikulosa sa mga tenant ang may ari. Sa lugar na iyon paniguradong hindi mahuhuli ang magkaibigan sa pag pasok sa umaga.

Matapos pag masdan ni Elly ang buong kwarto ay umupo ito sa kama at tinignan ang kaibigan na nakadungaw bintanang yari sa kahoy. Mukha naman masaya ito sa nakuha nilang kwarto at kumakaway pa sa mga babaeng nakatira naman sa katapat na apartment nila.

"Maganda naman." Bigkas ni Jun. "Malinis din! Mura na toh Elly, Ano? Kunin na ba natin?"

"Oo naman" sagot naman nung isa na ngayon ay nakahiga at tila sinusubok ang tibay ng kama. "Wala naman kaso sa akin 'tol basta may matutuluyan at matutulugan."

"OK! Deal. Sige kausapin na natin si manang" Sagot naman ni Jun sabay apir.   Dito nag simula ang kanilang pagkakaibigan...

Matapos ang dalawang araw ay bumalik sila sa apartment para dalhin ang kanilang mga gamit. Umupo si Jun sa kama at sinabi sa kanya na gusto niya yung pwesto na nakadikit doon sa dingding. Kapag mainit, presko daw kasi at dun nya gustong humiga para malamig kapag gabi. Pumayag nmn si Elly dahil ayaw naman nya malamigan ang likod nya (kasabihan ng mga matatanda). Umupo siya sa kama at pinagpag ang magiging tulugan..

"Ito! Sapat na sa akin ito..." usal niya. " kasya na ako para humiga, matulog, at maglaro!" Sabay tawa ng malakas habang ipinapatong ang kamay sa gitna ng kanyang pantalon.

"Gago pare! hahaha! Malibog ka?" Tanong naman ng kaibigan sa kanya. "Huwag na huwag ka magkakalat sa side ko. At gawin mu yan pag wala ako dito." Mariing sabi niya habang inilalabas ang kanyang mga gamit mula sa bag na kanyang bitbit kanina.

Bumagon si Elly mula sa pagkakahiga.. "Oo naman tol! Ano kala mo sa akin?" Tumayo siya at unti-unting binuksan ang pantalon habang nakaharap sa kasama.. "Ipapakita ko ba naman seu ang alaga ko? Hahaha!" Sabay zipper pataas muli ang kanyang maong.

"Elly!" sabat ni Jun na tila tinatablan na sa ginagawa ng kaibigan. "Pare! Huwag ka ganyan. Tinatablan ako! Hahaha! sabay tawa ng malakas"


-to be continued-

\

0 comments:



Post a Comment