Para sa Iyo

I made for his birthday last two years ago. it seems i can't still get over you...

INAY

Mahigit dalawang buwan na lang ang bibilangin ko
Mag iisang taon na din ng nawala ka
May mga araw pa din na hinahanap kita
May mga oras pa din na nangungulila ako

Pilit inaalala kung ano madalas sambitin mo
Pilit inaalala ang mga paglalambing mo
Pag haplos at pag aaruga mo
Parati pa ding hinahagilap ko

Bakit kulang ang oras na ibinigay sa'yo?
Bakit di mo man lang naramdaman yung ginhawa na pinapangarap mo?
Bakit di mo nahintay ang sanang bukas na may pagbabago?
Bakit di man lang ako nakahingi ng tawad sa'yo?

Di ako perpektong anak
Di sapat ang ako para hingiin pa ang pagbalik mo
Di ko na din mapupunan ng mga ngiti at galak
Dating buhay natin na kakarampot at payak

Kung nasaan ka ngayon sana di kana umiiyak
Kung nasaan ka man ngayon di ka na nagkakasakit
Kung nasaan ka man ngayon nais kong ding mapuntahan
Kahit na mapasalamatan ka man lang at masabi kong mahal na mahal kita ina

Mapatawad mo sana ako sa mga kasalanan ko sa'yo
Masakit man na di ko na nagawang magpaalam pa sa paglayo mo
Mabigat man sa loob ko at ayaw pa kitang lumayo
Mommy ko ikaw lang ang nag iisang babae sa buhay ko

Wala akong lakas para dugtungan pa ang buhay mo
Wala akong kapangyarihan para ibalik pa ang ang nakaraan at itama at gawing magaan ang buhay na binigay sa atin
Wawaksi natin lahat ng galit at kahirapan
Pipiliin lang yung mga bagay at mga panahong ang saya natin.


Dakila ka ina sa iyong pagmamahal na ibinigay
Mistulang bayaning walang rebultong taglay
Ngayon ay akin na lang pinapalagay
at iniisip na hawak ko pa ang yong mga kamay