CHAPTER 3


UNANG GABI
(oh my bestfriend is gay)
(chapter 3)


Alas-nueve na ng gabi. Isang oras na din mula nang makapag hapunan ang magkaibigan. Lomi at kanin ang kinain ni Elly dahil na-miss niya daw ang luto ng kanyang nanang. Chicksilog naman ang kay Jun dahil wala naman daw siya gustong kainin. Napaka swerte nilang dalawa kung tutuusin dahil lahat ng bagay na nais nilang bilhin ay malapit sa kanilang tinutuluyan..


Kasalukuyang nasa tarangkahan ng bintana si Elly at nag yoyosi. Nakatingin ito sa mga nagdadaanang tao at pedicab sa kalyeng yaon sa tapat ng kanyang tanawan. Maliwanag din sa kalsadang yon dahil sa mga ilaw ng poste na hindi napapabayaan. Napakatahimik at walang madidinig kundi yung mamang naglalako ng balot. Napakaganda ng ambience sa oras na yon na wari ni Elly ay tinatangay siya sa sangtwaryo ng kanyang pagkatao. Dinagdagan pa ang mahinang musika na galing sa i-pod ni Jun na iniwanan nitong nakabukas bago siya bumaba para maligo.


"Pare. Pwede na dun." isang tinig habang bumubukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang isang lalaki na naka blue boxers at puting sando. Si Jun pala iyon habang ibinababa ang basket ng kanyang mga gamit sa banyo. Kapansin pansing napaka organisado din ni Jun sa kayang mga gamit.


"Maliligo pa din aku bukas kaya nag linis lang aku ng katawan." Dagdag nito.



"Oh sige. Bababa na ako. Huling hits na lang to." Sagot sa kanya ng kaibigan habang hinihithit ang natitira sa sigarilyo at pintay sa pamamagita ng ashtray na nasa tabi nito.

"Hindi na ko maliligo bukas. Mapapasarap ang tulog ko nito panigurado."



Wala namang imik ang isa habang inaayos ang kanyang sinuot na damit kaninang umaga.


Mula sa dalang bag ni Elly at kumuha ito ng tuwalya at malinis na brief. Kumuha din siya ng isang box na sabon at yung bagong biling toothbrush sa tindahan.
"Pare, penge ako toothpaste ahh." Panambit sa kaibigan na ngayon ay nagbubuklat ng libro.


"Sige. May shampoo pa ako dun sa baba. Paki dala nalang. Alam ko naman wala ka kaya gamitin mo na din.." Sagot ng kaibigan


Walang anu-ano'y nag hubad ito ng kanyang kamiseta at pantalon sa harap ng kaibigan. At doon tumambad ang kanyang katawan maliban sa naiwang puting tela na nagtatago sa kanyang kaselanan. Isang dibuho ng sining kung iwawari ang mga maliliit ngunit detalyadong kalamnan nito na perpektong nakahulma sa mga braso at hita niya. At panalo din sa wash-board abs na pinaghihirapan niyang makamit kahit noong college pa lang siya. Hindi naman siya nabigo dahil napakaganda ng kanyang katawan. Nag tapis ito ng twalya at dumiretso na sa kanilang paliguan.


Hindi naman ito napansin ng kaibigan dahil ito ay abala sa pagbabasa. Hindi na din nito namalayan ang pag baba ng kabigan dahil ang kaninang i-pod na naka input sa speakers ay nakapasak na sa kanyang tenga. Matapos ang isang oras, napagod na ito sa pagbabasa at pakikinig ng musika kaya ibinaba niya sa kama ang libro at ipod. Lumapit ito sa bintana na at paboritong lugar ng kaibigan. Dumungaw dungaw sa mga nagdaraan at ninamnam ni Jun ang katahimikan ng mga oras na iyon. Napansin din ni Jun ang pakete ng sigarilyo na naiwan ng kaibigan sa tarangkahan. Kumuha siya ng isa at nag sindi.


"Naninigarilyo ka pala?" Tinig ni Elly na tapos na ngayong maligo..


"Ahhm. Oo! Dati pa. Pero hindi ganoon kalakas. Nahuli kasi ako ng mom ko at nag gym ako before kaya itinigil ko." Sagot ni Jun sabay hithit ng isa pa mula sa sinindihang yosi.


"Eto nga pala yung shampoo mo. Lagay ko nalang dito sa basket ahh? Salamat. Ang sarap maligo pag gabi. Maginhawa. Sarap ngayon matulog nito." Wika ni Elly sabay tanggal ng tuwalyang nakatapis sa kanyang katawan. Sakto naman humarap si Jun sa kausap. At ngayon, namasdan niya ang hindi niya nakita kanina.

Naka white ulit itong brief bukod sa suot nito bago bumaba. Puros puti kasi ang nadala ni Elly mula sa bulacan at dahil na din sa old fashion na pag iisip nito. Kapansin pansin ang malaking bakat sa puting telang iyon sa kanyang harapan dulot na din siguro ng lamig ng tubig sa gripo.



"P-pare! Sandali lang ganyan ka lang matutulog?!" Gulat na tanong nito sa kaibigan.



"Oo. Sa bahay kasi ganito lang ako matulog. Mas presko. Bakit? Ayos lang ba sayo?" Sagot ng kaibigan na isinasampay ang kanyang tuwalya.


"H-hindi naman. A-ayos lang. Hindi lang ako sanay kasi ako lang ang lalaki sa magkakapatid at baka himatayin ang mommy ko pag nakita niya akong naka ganyan sa bahay." Balik ng kaibigan at ngayon ay sunod sunod ang pag hithit ng kanyang sigarilyo.


Hindi maipalagay ni Jun ang sarili dahil unang gabi niyang matutulog kasama ang isang lalaki sa isang kama at naka brief pa!. Buti nalang at nakapag sindi siya ng yosi at mababawasan ang kanyang kaba.


Bago pa matapos maubos ang kanyang bisyo ay nakahilata na ang malibog na kaibigan at tila isang nuno sa punso ang nasa pagitan ng mga hita nito na kailangan niyang iwasan. Kailangan pa kasi niyang yumuko dahil sa double deck ang kamang iyon at hindi naman maalis ang mga gamit sa ibabaw nito dahil sa pakiusap nadin ni manang Lydia. Kailangan niya ding gumapang papasok sa kanyang pwesto na naka sandal sa dingding.


Kumabog ng husto ang dibdib ni Jun ng mga oras na iyon. hindi niya alam ang gagawin. Nakapikit na si Elly at ayaw naman niya asarin pa siya nito kung sabihin nya tumayo muna ito at hihiga siya. Binuo niya ang kanya loob. Huminga ng malalim. Maingat siyang nakapasok ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari, Hindi naangat ng mabuti ni Jun ang kaliwang binti niya sa sumayad doon sa nuno sa punso na iyon.


"Pare... Yung alaga ko.. Tinamaan mo" sambit ni Elly na nakapikit at kumukuha ng tulog..



"P-pasensya siya. N-naka hambalang kasi ehh. Dadaan ako" sagot nalang niya na nakahinga na ng bahagya sa pangyayari. Dama niya ang estado nito sa loob na malagihay padin bagamat ang may ari nito ay naghahanap ng tulog at wala na sa huwisyo.


Sa wakas nakahiga na din siya at humalukipkip. Ganito ang kanyang posisyon kapag nakahiga at nagiisip.



"E-Elly?.. Gising ka pa ba?" tanung niya sa kaibigan.



"Hmmm.. Tulog na.. Bakit pare?" Sagot nmn ng kaibigan na ngayon ay nakatagilid.



"May aaminin ako sayo." Balik ulit niya sa kaibigan. "P-pare.. E-Elly.. Bakla ako!.." Pikit matang sinabi ni Jun sa katabing lalaki.



"Hmmmm Huwag kang mag alala Jun. Bakla din ako." sagot ng kaibigang nakapikit pa din at bumalik sa pag hilata. Nagulat si Jun ng dumapo ang kamay ni Elly sa ibabaw ng boxer niya at dinakma ang bagay na naroon at hindi pa din maka recover mula sa pagkakabunggo ng kanyang hita sa alaga ng kaibigan.



"Ayan pare! Bakla din ako. Huwag ka mag alala." Sagot ni Elly na wala ata sa sarili.
"Matulog kana" anito.



Mahigpit pa din ang pagkakadakot ni Elly doon at walang nagawa si Jun. Buong gabi siyang naghuhumindig sa ginawa ng kaibigan. Alam niya na nagbibiro lang ito sa mga sinasabi nito at hindi siya initindi sa kanyang pag amin sa katauhan..


Liwanag nalang mula sa mga ilaw ng poste ang nagbibigay liwanag sa kwartong yoon. Tahimik na din ang paligid. Nawala na din sa loob ni Jun ang kamay ng kaibigan sa kanyang alaga at nakatulog na ito sa sobrang pag iisip..


Alam ni Jun ang mga pwedeng mangyari kung malaman ng kaibigan. Ayaw niya na mapag-isipan siya ng masama nito at lumayo ito sa kanya dahil sa kanyang kasarian. Wala pa rin naman siyang karanasan sa mga bagay bagay at tanging sarili niya lang ang pinagkatiwalaan sa kanyang pagkatao..


-itutuloy-

0 comments:



Post a Comment