katotohanan (poem)

Marahil biro nga...
katotohan?
di ko na alam...
Bawat hinga mo'y tila isang saliw
nang musikang dapat kong sayawan..
Ayaw mo man...
Masakit man...
Ngunit mapaindak, di ko maiwasan...
Para akong dibaterya...
pero...
Ano ba alam mong habol ku seu?
di maiwasang itanong kasi alam ku
naman ang totoo...
Dba?
Tala kang minamasdan ko.
Pero wala akong makitang liwanag..
Bulag naba ko?
KATOTOHANAN...
tatlong araw akong umiiyak...
di ko alam ang dahilan..
sawa na din sa buhay sa loob ng aninong iyong tinatapakan...
Hindi naliliman...
Masakit ang KATOTOHANAN...
Gusto ko???
MAWALA NA LANG...
Parang bula.
Ikaw, mahal KITA.
Ikaw, mahal mu SIYA..
Siya? Mahal KA nya..
Lugi ako sa katotohanang alam ko...
ndi na ako umaasa...
Sawa sa pag-niniwalang mayroong pag-asa
sa kinabukasan.
Isang asong gubat na lumalamon sa natitirang laman kong
dungis ng pagkakataon.
Dungis ng katotohanang pilit mong
ipinayayakap sa akin at pina aampon.
Madaya ang katotohanang alam ko...
dahil hanggang ngayon...
Ang katotohanang yaon ang naglulugmok sa
pag katao kong pinatay ko na...…
MATAGAL NANG PANAHON.

0 comments:



Post a Comment