code: S.D.B. (Poem)


asan kana?
di kita maramdaman
asan na ang presensya mong dating
tahanan ng aking kaligayahan
tahanan ng aking pagka bigo
tampulan ng luha ko't dugo
mula ng aking tuwa at galak
asan na dahilan ng pag tibok ng putang inang puso ko
asan ka nang minamahal ko

di kita matagpuan
kahit pa ang dating paraan upang makausap kita'y
wala na..
di ko na matagpuan ang landas ko patungo sayo
nangangamba din akong di mo na alam ang landas
pabalik sa puso ko..
pabalik sa bisig kong dati kong iniakap sayo
at nakalimutan mo na salat ng mga palad kong ito
noong dinadamayan ka sa kalungkutan mo
at ang labi ko....
hanggang ngayo'y ramdam pa rin ang tamis
ng mapag parusang labi mo

sariwa pa mga ala-ala mo
lulan ng pag asang mahal mo pa rin ako
ngunit asan ka na
asan na ang pagkataong dahilan ng buhay ko

mananatili na lang ba kitang pangarap
na kahit sa totoong buhay di na kita mahagilap

0 comments:



Post a Comment