
Forever...
Naaalala kita...
Dinadama ang mga bakas ng yakap mo
Dito sa aking bisig
Nilalarawang pilit ang iyong mukha
Dito sa aking isip
Paano'y wala ka na
Pansamantala...
At ito ang dahilan kaya't ako'y nalulumbay
Nalulungkot sapagkat wala akong magawa upang makapiling ka.
Sabik na mayakap kang muli.
Sabik na mahagkan kang muli.
Inip sa panahong sa ati'y ipinagkait
Dukha sa pagkakataong kay pait
Lulan ng kalungkutan ko'y pag aalala
Na ang pag ibig mo sa aki'y mawala na.
Ngunit taglay ku padin ay tiwala't pag asa
Na ikay babalik sa kumot ng aking pag sinta
Tayo'y muling hihiga sa unan ng kaligayahan
At doon sasariwain ang ating mga pinagsamahan
Mag hihinta ako mahal.
Maghihintay..
Sa muli mong pag balik...
Mahal pa din kita
Umasa ka..
0 comments:
Post a Comment